ESTILO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG GRADO: BATAYAN SA PAGBUO, PAGTANGGAP AT BALIDITI NG WORKTEXT SA ASIGNATURANG FILIPINO

Completed2015

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ikapitong Grado bilang batayan sa pagbuo, pagtanggap at baliditi ng worktext sa asignaturang Filipino. Ang deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat ay isinagawa sa pamamagitan ng 18 guro at 178 magaaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Luis Palad. Ginamit ang weighted mean, standard deviation, mean at t-test bilang pamamaraang estadistika upang maanalisa ang mga datos na nakalap. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang pinakagamiting estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang pampaninging paraan ng pagkatuto. Mayroon ding mahalagang pagkakaiba sa performans ng mga mag-aaral sa Grado 7 sa pretest at posttest. Pagkatapos magamit ang worktext, halos lahat ng mga tagasagot ay umunlad mula sa low performing patungong average performing. Dahil sa mga natuklasan sa pag-aaral na ito, inirerekomenda ng mananaliksik na palawakin pa ang paggamit ng kagamitang gabay sa pagtuturo (worktext) ng guro sa pamamagitan ng pag-alam sa kakayahan ng mga magaaral sa tulong ng pretest. Kailangan ding tiyaking maliwanag ang mga panuto sa bawat gawain upang mas madaling maunawaan ito ng mga mag-aaral. Iminungkahi ding dagdagan pa ang worktext ng mga larawan na makatatawag ng pansin at makaaakit ng interes ng mga mag-aaral na gagamit nito.

Keywords

-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.