PAMAMARAAN NG PAGTUTURO SA PANITIKAN SA ASIGNATURANG FILIPINO AYON SA PANANAW NG MGA GURO AT MAG-AARAL
Area of Research
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglayong alamin ang mga pamamaraang
ginagamit ng guro sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino sa mga piling
pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Quezon at ang mabisang pamamaraan ng
pagkatuto ang kinawiwilihan sa panitikan sa asignaturang Filipino para sa magaaral. Ang deskriptibong pagsasaliksik na ito ay gumamit ng talatanungan upang
makakalap ng datos mula sa mga 27 guro ng Pambansang Mataas na
Komprehensibong Paaralan ng Atimonan, Pambansang Mataas na Paaralan ng
Gumaca, at Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez
gayundin sa 327 na mag-aaral mula sa Una, Gitna, at Huling Pangkat. Gumamit
ng weighted mean, ANOVA at t-test upang iproseso ang mga nakalap na sagot.
Batay sa mga datos, ang pamamaraang pinakaginagamit ng guro sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino ay pag-uunay ng aralin sa mga karanasan at
tunay na pangyayari, pagbibigay-halaga at saloobin sa isang paksa o aralin,
pagbabalik-aral sa nakalipas na aralin upang maiugnay sa panibagong kaugnay
na aralin, pagpapangkat pangkat ng klase sa iba’t ibang gawain upang malinang
ang kooperasyon at pagtutulungan, at pagbibigay ng guro ng lektyur hinggil sa
aralin. Ang pinakamabisa at kawili-wiling gamitin naman ayon sa tatlong pangkat
ng mga mag-aaral ay ang panonood ng sine at mga video tapes na may
kaugnayan sa aralin, pakikinig sa awiting may kaugnayan sa akda sa
pamamagitan ng CD, DVD player o ano mang kagamitang napapakinggan,
pagsasagawa ng mga laro kaugnay na paksang napag-aralan, pagpapangkat pangkat ng klase sa iba’t ibang gawain upang malinang ang kooperasyon at
pagtutulungan at pagsasagot sa mga word puzzle. Napag-alaman din na walang
pagkakaiba sa pamamaraan sa pagkatuto na kinagigiliwan sa pag-aaral ng
panitikan sa asignaturang Filipino na may iba’t ibang antas ng kakayahan subalit
may mahalagang pagkakaiba naman sa pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo
at pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Inirerekomenda ng pag-aaral na ito na ipagpatuloy ng mga guro sa Filipino
ang paggamit ng mga pamamaraan sa pagtuturo na kinawiwilihan ng mga magaaral katulad ng paggamit ng makabagong teknololohiya. Dapat ding isaalangalang ang kakayahan at interes ng mga mag-aaral.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGIES, SCIENCE and ENGINEERINGBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISM