Pagbuo at Ebalwasyon ng Talahulugang Ingles-Filipino sa mga Katawagang Teknikal ng Bread and Pastry Production
Area of Research
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagbuo at ebalwasyon ng talahulugang Ingles- Filipino sa mga katawagang teknikal ng Bread at Pastry Production. Binubuo ang talahulugan ng mahigit isang daan (100) katawagang teknikal sa Ingles na hinango sa iba’t ibang talasanggunian at mga taong may kaugnayan sa larangan ng Bread at Pastry Production. Inaasahang matukoy ang demograpikong profayl ng mga guro na may kasanayan o kaalaman sa larangan ng Bread at Pastry Production, mga mag-aaral na kumukuha ng kursong ito at mga taong nasa larangan na ng ganitong gawain, katulad ng mga nasa bakeshop. Sa kabilang banda malaman ang mga katawagang teknikal na ginagamit sa Bread at Pastry Production. At ang ebalwasyon sa pagbuo ng Talahulugang Ingles-Filipino sa mga katawagang teknikal ayon sa mga tagasagot mula sa iba’t ibang mag-aaral at mga guro ng mga napiling paaralan na may kaugnayan sa Bread at Pastry Production.
Ang pananaliksik na ito isinagawa sa pamamaraang deskriptiv o palarawang pagsisiyasat at sa pamamagitan ng talatanungan na binuo na nasa anyong talahulugan. Ito’y sinuri upang masukat ang angkop na kahulugan ng mga katawagang teknikal sa araling Bread at Pastry Production. Ang pinakabatayang kasangkapan ay gumamit ng sarbey na
talatanungan ang mananaliksik. Sa pamamagitan ng isang liham pahintulot na ginawa ng mananaliksik at inapbrubahan ng gurong tagapayo. Ito ay personal na ipinamahagi sa mga nabanggit na mga tagasagot ng pag-aaral.
Ang mga datos na nalikom ay ipinaebalweyt sa mga guro na may kasanayan at kaalaman sa Bread at Pastry Production. Ang mga respondente ay binubuo ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan na may kaalaman sa araling Bread at Pastry Production lalo’t higit iyong mga NCII passers. At bilang awtput ng pag-aaraln na ito ay isang disenyo ng pagsasanay ang ginawa ng mananaliksik na naging basehan ng pagbuo ng sarbey talatanungan. Sa mga nakalap na mga impormasyon o mga datos natukoy ang mga angkop na kahulugan para sa mga katawagang teknikal sa Bread at Pastry. Ang talatanungan ay nabuo ayon sa tagubilin ng gurong tagapayo. Samakatuwid, ang pagtatally; pagkuha ng porsyento at pagkuha ng weighted average mean ang kinailangang gawin ng mananaliksik sa tulong statistician.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat ang pangunahing interes ng mananaliksik ay mapayaman at mapaunlad ang wikang Filipino, sa ganitong larangan ay mapunan ang pangangailangan ng mga estudyante sa mga paaralan. Gayundin, upang mapagaan sa pag-unawa ng mga araling panteknikal ang mga mag-aaral at mga guro sa Filipino na maaaring pangganyak ito sa kanilang pagtuturo, upang lalong maging epektibo ang pamamaraan at istratehiyang sa pagtuturo para sa ikauunlad ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsasalin.
Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiaambag sa pagsulong ng edukasyon lalo’t higit sa mga mamamayang naghahangad na malaman ang ilang mga bagay
tungkol sa kursong Bread at Pastry Production na magmumulat sa kanila sa kahalagahan ng pagkakaroon talahulugang Ingles-Filipino sa mga araling pangteknikal na salita.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGIES, SCIENCE and ENGINEERINGBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISM