EPEKTO NG PAGGAMIT NG MGA LARO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO BILANG INTEGRASYON SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN NG MGA MAG-AARAL SA IKALIMANG BAITANG
Area of Research
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang epekto ng paggamit ng mga laro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino bilang integrasyon sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang. Sa pagpili ng mga tagasagot ang pamamaraang purposive sampling technique ang ginamit para sa sa pagpili ng 37 mga guro at quasi experimental ang ginamit na disenyo ng pag-aaral para sa 100 mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Silangang Lucena Bilang VII. Gumawa ng liham pahintulot ang mananaliksik sa Tagapamanihala ng mga Paaralang Panglunsod, sa punungguro at sa mga tagasagot na mag-aaral sa nasabing paaralan at pagkatapos ay nagsagot ng talatanungan. Tinulos gamit ang istadistikang pamamaraan upang makuha ang bahagdan at maanalisa ang mga datos.
Batay sa naging resulta ng pananaliksik, ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral (learner centered teaching), pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa nilalaman o konsepto ng ibang asignatura (content-based integration) at pamamaraang pagsasanib (integrative method) ay ang mga estratehiyang pinakamadalas na gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga larong edukasyonal na bingo, gawang laro ng mga mag-aaral at larong buong mundo ang mga larong mas epektibo na pinakamadalas gamitin ng mga guro sa pagtuturo. Lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na ang mga laro ay nagdudulot ng kabutihang pampisikal tulad ng pagiging masayahin at pagiging maliksi.
Ayon sa kinalabasan ng resulta ng posttest, mas mababa ang mean iskor ng mga mag-aaral na nasa kontrol na grupo o ginamitan ng tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo na walang mga laro kumpara sa mean iskor ng experimental na grupo na ginamitan ng makabagong pamamaraan na may kasamang laro. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapatunay lamang na epektibo ang paggamit ng laro bilang tulong o integrasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Inirerekomenda ang pagsasagawa ng pag-aaral sa mga batang may learning difficulties o struggling readers upang makita ang kabisaan ng gamit ng laro sa pagtuturo. Dapat na maging mapanaliksik ang guro sa mga larong in na in sa kasalukuyan upang mas maging madali para sa mga bata ang kanilang pang-unawa sa paksang aralin. Nararapat na magsaliksik ng iba pang laro na batay sa K-12 na kurikulum at lagyan ng pagtataya upang higit na malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral. Iminumungkahi na gamitin ng epektibo ang mga tinipong modyul o compilation ng mga laro upang mapukaw ang atensyon at interes ng mga mag-aaral.
Keywords
integrasyon ng laro sa pagtuturo
laro sa asignaturang Filipino
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH