SARILING LIKHANG INTERBENSYONG MATERYAL: INSTRUMENTO SA PAGPAPATAAS NG ANTAS SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL NA NASA ANTAS NG KAHINAAN SA GRADO 7 NG LPIHS

Completed2019

Abstract

Sa mga kasanayang pangwika, ang pagbasa ay kinakailangang pagukulan ng panahon ng isang mag-aaral. Hindi kailanman nagiging ganap ang pagbasa kung walang pagkaunawa sa binasa. Sa pananaliksik na ito ay naglayong alamin ang profayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang edad at kasarian, matukoy ang bilis at antas sa pag-unawa sa pagbasa ng mga magaaral sa paunang pagtataya at pangwakas na pagtataya at pagkakaiba; at higit sa lahat ay ang makabuo ng isang materyal na salig sa pangangailangan ng mga mag-aaral na makatutulong nang malaki sa pagkatuto ng pagbasa ng mga magaaral na nabibilang sa lebel ng kahinaan, gayun na rin ang lebel ng pagtanggap ng mga guro sa nabuong materyal batay sa saklaw ng paksa, organisasyon, nilalaman, wika at estilo, kabuuang gamit at ilustrayon o larawan. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik o paglalarawan upang malaman ang inobatibong estratehiya sa pagkatuto ng pagbasa sa mga mag-aaral na nasa antas ng kahinaan sa Integradong Mataas na Paaralan ng Luis Palad sa pamamagitan ng 20 guro mula sa Kagawaran ng Filipino at 106 na mag-aaral na nasa antas ng kahinaan mula sa ikapito ng nasabing paaralan na kung saan ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Gumamit rin sa pananaliksik na ito ng mga pormulang percentage, frequency at weighted mean at t-test sa pag-analisa sa mga nakuhang datos. Batay sa naging resulta ng isinagawang pananaliksik, ang mga tagasagot ay nabibilang sa edad na 12-17 pataas taong gulang. Nabuo rin ang konklusyon na nakatutulong ng malaki ang interbensyong materyal sa pagkatuto ng pagbasa lalo’t higit sa mga mag-aaral na nabibilang sa antas ng kahinaan. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik na ito ay iminungkahi ng mananaliksik na patuloy pang linangin ang pagbuo ng mga pananaliksik na may kinalaman sa pagbasa upang makatulong upang mapataas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahang pang-akademiko.

Keywords

interbensyong materyal
pagbasa
antas na kahinaan
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.