PAGGAMIT NG ANIMATION FILM BILANG KAGAMITANG PANTURO SA PAGTUTURO NG KUWENTONG-BAYAN AT ALAMAT SA BAITANG 7 SA CALAUAG, QUEZON

Completed2019

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mabatid ang paggamit ng animation film bilang kagamitang panturo sa pagtuturo ng kuwentong-bayan at alamat sa baitang 7. Layunin nitong malaman ang demograpikong profayl ng mga tagasagot, malaman ang epekto ng paggamit ng animation film bilang kagamitang panturo sa pagtalakay ng kuwentong-bayan at alamat, at malaman ang lebel ng pagtanggap ng mga guro sa paggamit ng animation film. Ito ay isang deskriptibong pag-aaral na gumamit ng kwantatibong paraan ng pananaliksik na ginamitan ng talanungang tseklist at maikling pagsusulit para sa 342 na mag-aaral mula mababa at mataas na pangkat at 15 guro sa Filipino mula sa baitang 7 na kalahok sa isinagawang pananaliksik. Gumamit ang mananaliksik ng purposive sampling sa pagpili dahil ang mga tagasagot sa gagawing pananaliksik ay mga guro at mag-aaral lamang sa baitang 7 na walang pinipiling kasarian at edad. Mula sa pagsusuring isinagawa sa mga datos na nakalap sa pananaliksik na ito, karamihan sa mga naging tagasagot ay babae; ang mga mag-aaral ay karaniwang nasa edad 13-14; ang mga guro ay karaniwang nasa edad 20-25 at serbisyong 1 hanggang 5 taon. Nabuo ang kongklusyon na ang nabuong animation film ay nakatutulong ng malaki upang mapanatili ang kawilihan ng mga mag-aaral sa pagtalakay ng kwentong-bayan at alamat tungo sa pagkaunawa nito. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminungkahi ng mananaliksik na magdebelop pa ng mga kagamitang pampagtuturo na makalilinang sa pagkaunawa ng mga mag-aaral tulad ng animation film.

Keywords

animation film
kagamitang panturo
kuwentong-bayan
alamat
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.