Pagbuo, Pagtanggap, at Baliditi ng Modyul: Kontekstwalisasyon ng mga Piling Aralin sa Filipino 8 Gamit ang Dominyo ng Kulturang Popular
Area of Research
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makabuo ng isang kagamitang
pampagtuturong inugnayan ng dominyo ng Kulturang Popular. Nilayon din ng pag-aaral
na ito na malaman ang performans ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pretest sa
asignaturang Filipino. Nalaman ang lebel ng pagtanggap sa binuong materyal at ang
kabisaan ng kagamitang panturo batay sa resulta ng posttest sa Asignaturang Filipino.
Ang deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat ay isinagawa sa
pamamagitan ng labingwalong (18) guro at dalawang daan at dalawampo at dalawa
(222) mag-aaral ng Luis Palad Integrated High School upang kumalap ng mga datos sa
mga mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng cluster sampling at purposive sampling
naman para sa dalawampo at anim (26) na mag-aaral sa pagbalido ng kagamitang
pampagtuturo.Gumamit ng pormulang weighted mean, standard deviation, mean, at ttest bilang pamamaraang estadistika upang maanalisa ang mga datos na nakalap. Batay sa resulta ng pag-aaral, lubos na katanggap-tanggap sa mga guro at magaaral ang modyul na ginamitan ng bahagi ng Kulturang Popular bilang kagamitang
panturo sa Grado 8 batay sa nilalaman, kaugnayan sa paksa, kaayusan, orihinalidad at
impak sa mag-aaral.Mayroon ding mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng kahinaan ng
mga mag-aaral sa Garado 8 sa pretest at posttest sa limang pangkat na may resultang
tanggapin ang alternatibong hypothesis.
Natuklasan sa pag-aaral na ito, iminungkahi ng mananaliksik na magkaroon pa
ng mas malawak na pag-aaral hinggil sa Kulturang Popular. Ang mga panuto sa bawat
gawain sa kagamitang pampagtuturo ay dapat tiyaking maliwanag upang mas madali
itong maunawaan ng mag-aaral. Dapat pang dagdagan ng mga larawan na
makatatawag ng pansin at makaaakit ng interes ng mga mag-aaral kagamitang
pampagtuturo na inihanda. Dapat ding magsagawa ng iba pang pag-aaral kung saan
ang mga kalahok ay mula sa una, gitna, at huling pangkat upang mas makita ang
kabisaan ng buong kagamitan sa pagtuturo. Dapat ding gumamit ng iba pang baryabol
at ilan pang mga aralin sa mga sumusunod na pag-aaral upang mas makatulong sa
pagpapaunlad ng mga mag-aaral.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH