Katatayuan ng mga Salitang Tayabasin at mga Salik Na Nakakaapekto sa Grado 7 sa Kanilang Paggamit: Batayan sa Pagbuo ng Diksyunaryo
Area of Research
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Katatayuan ng mga Salitang
Tayabasin at mga Salik na Nakakaapekto sa mga Mag-aaral sa Grado 7 sa Kanilang
Paggamit Bilang Gabay sa Pagbuo ng Diksyunaryo. Ang pangunahing layunin ng
pananaliksik na ito ay makalap ang demograpikong profayl ng mga tagasagot batay
sa kanilang edad; kasarian; at libangan o interes. Nais din malaman ng mananaliksik
ang mga salitang Tayabasin na gamitin pa rin ng mga kabataan sa kanilang
pakikipagkomunikasyon. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga
salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral sa Grado 7 sa kanilang paggamit ng mga
salitang Tayabasin batay sa social media; mass media/ broadcast media; kapamilya;
at kaibigan/kamag-aaral. Inalam din ng mananaliksik ang lebel ng pagtanggap ng
mga guro sa diksyunaryong kinapapalooban ng mga salitang Tayabasin sa bayan ng Tayabas batay sa pagkakabuo; nilalaman; impak sa guro; at orihinalidad. Nilayon din
ng pananaliksik na ito na makabuo ng isang diksyunaryo ng mga salitang Tayabasin
bilang maging sanggunian ng mga guro, mag-aaral, taal na Tayabasin at mga hindi
Tayabasin na magagamit nila sa kanilang pakikipagtalastasan at pag-aaral. Ang
pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong talatanungan na binuo upang
mailahad ang mga makukuhang impormasyon at maisagawa ang pananaliksik.
Nagkaroon ng pagtatanong at pakikipanayam ang mananaliksik sa mga
matatandang Tayabasin na matagal nang naninirahan sa bayang ito upang makalap
at malikom ang mga salitang Tayabasin. Pagkatapos ang pangangalap ng mga
salitang Tayabasin, nagpasagot ang mananaliksik sa mga mag-aaral na mula sa
grado 7 na may kabuuang bilang na isandaan pitumpu’t pitong (177) mag-aaral na
tagasagot na pinili sa pamamagitan ng cluster sampling na siyang sumagot sa
sarbey tseklist. Batay sa naging resulta,ang mga naging konklusyon ng pag-aaral ay
una, halos lahat ng mga tagasagot ay nasa edad 12-13 taong gulang na mahigit
kalahati ay mga babae na ang pangunahing interes o kinahihiligan ay ang
pakikipagchat o paggamit ng anumang social media na may 77 bahagdan kaysa
paglalaro ng basketbol o anumang larong pampisikal. Ikalawa, mayroon pa ring mga
ilang salita na alam at ginagamit ng mga kabataan sa kanilang
pakikipagkomunikasyon gaya ng bistida, apuyan, bisiro, guyam, kulig, linang,
bangbang, budin, balinghoy, maluto, gayat, baak, masirino at turnuhan. Ikatlo, ang
mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga mag-aaral sa mga salitang Tayabasin ay ang social media gaya ng messenger, facebook, youtube. Twitter,
Gmail, Yahoo Mail, at Instagram; iminungkahi ng manansa mass media/ broadcast
media naman ay variety shows, teleserye/ telenobela, musika, sine at mga cartoon;
kasama rin ang lahat ng kabilang sa kapamilya at kaibigan/kamag-aaral. Ikaapat,
ang diksyunaryong binuo ay maaaring makatulong sa mga guro at mag-aaral sa
pagtalakay at pag-aaral na may kinalaman sa lokalisasyon sa mga salitang
Tayabasin. Batay naman sa naging resulta at konlusyon,nabuo ang mga
rekomendasyon na una, upang lubos na mapanatili ang salitang Tayabasin,
maaaring gamitin ng guro ang mga salitang Tayabasin sa kanilang pagtuturo,
pakikipag-uganayan sa mga mag-aaral para kahit nasa loob man sila ng paaralan ay
nagagamit pa rin nila ang salitang kinagisnan. Ikalawa, maaari ring magsagawa o
bumuo ng mga gawain sa mga mag-aaral na kaaangkupan ng social media na
magagamit nila ang mga salitang Tayabasin upang lubos nila itong magamit. Ikatlo,
sa mga mamamayan ng Tayabas, nararapat nilang gamitin ang wikang Tayabasin
kahit nasa bahay man sila, trabaho, o kahit saan man sapagkat ito ay
pagkakakilanlan ng kultura ng bayan. Ikaapat, sa mga susunod na mananaliksik,
maaaring hindi taal na Tayabasin na naninirahan na sa baying ito ang gamitin na
tagasagot o mismong mamamayan ng Tayabas ang gamitin bilang tagasagot.
Ikalima, maaaring dagdagan at lagyan ng etimilohiya ang mga salitang Tayabasin na
nakalap at makakalap.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH