Antas ng kaalaman sa wastong gamit ng mga salitang Filipino sa pagsasalita ng mga mag-aaral mula sa kolehiyo ng edukasyon pamantasan ng Enverga Lungsod ng Lucena

Completed2016

Abstract

Ayon sa aklat ni De Vera (2010), ang wika at pagsasalita ay bahagi at gawain ng tao sa pang-araw-araw na buhay. Sa pagsasalita gumagamit ng wika ang tao. Ito ang kasangkapang ginagamit upang maipahayag ang karanasan, kaalaman, damdamin at kaisipan. Ito ang sukatan sa isang indibidwal ng kanyang, talino, husay at galing. Sa pamamagitan ng pagsasalita naibabahagi ng isang tao ang kanyang nararanasan, nalalaman, naiisip at nararamdaman. Ang pananaliksik na ito ay may layuning masagot ang sumusunod na katanungan: Ano ang kabatirang pansarili ng mga tagatugon, batay sa kasarian, taon sa pag-aaral, programa, ano ang antas na kaalaman sa wastong paggamit ng mga salitang Filipino sa pagsasalita ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon Pamantasan ng Enverga Lungsod ng Lucena, paano nakakatulong ang kaalaman sa wastong gamit ng mga salitang Filipino sa pagpapaunlad ng makrong kasanayang sa pagsasalita, at paano nalilinag ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng mga salitang Filipino. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang antas na kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga salitang Filipino sa kanilang pagsasalita, kung kaya’t ang ginamit na disenyo ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral ay deskriptibo. Ayon kay Japorto “ang deskriptibong pamamaraan ay naglalayong mailarawan ang ilang sitwasyon sa pamamagitan ng mga nakalap na datos upang masagot ang mga tanong na may kinalaman sa pinakapaksa ng isang pag-aaral. Naglaan ng oras at panahon ang mananaliksik sa pagpunta sa Kolehiyo ng Edukasyon Pamantasan ng Enverga Lungsod ng Lucena, na mamatagpuan sa Ibabang Dupay, Site, Lucena City upang makakuha ng mga kinakailangang datos at impormasyon. Nagkaroon ng pagtatama (checking) sa talatanungang ginawa upang matiyak ang kredibilidad at balidad ng kanyang instrument. Para naman sa pagpapasagot sa mga talatanungang inihanda ay personal na iniabot at pinasasagutan ito sa mga mag-aaral na tagatugon upang makita at matiyak na masagutan ang lahat ng mga katanungan. Sa unang bahagi ng pagpapasagot, nagkaroon ng oral test kung saan ini-rekord ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga mag-aaral. Ang pangalawang bahagi ay pinasagutan ang mga katanungan batay sa kanilang mga pananaw tungkol sa paano nakaktulong ang kaalaman sa wastong gamit ng mga salita sa kanilang pagsasalita at paano nila nililinang ang kawastuhan sa paggamit ng mga salita. Nagkaroon ng tamang kompyutasyon upang maipakita ang nagging resulta ng kanyang pag-aaral. Alinsunod sa kinalabasan 74% ng mga tagatugon ay babae samantalang 26% lamang ang mga lalaki. Ang kinalabasang ito ay kagaya rin sa iba pang mga naunang pag-aaral ay nagpapakita at nagpapatibay lamang na ang mga kababaihan ay mas niyayakap at pinipili ang propesyon ng pagtuturo kaysa sa kalalakihan.n Alinsunod sa kinalabasan 26% ng mga tagatugon ay mula sa unang taon, 26% ay mula sa ikalawang taon, 24% mula sa ikatlong taon at 24 % ay nagmula sa ika-apat na taon. Ang mga datos na nakalap para sa taon ng pag-aaral ng mga tagatugon ay halos pantay-pantay. Alinsunod sa kinalabasan 28% ng mga tagatugon ay kasalukuyang kumukuha ng programang BEED o Bachelor of Elementery Education, 20% ay kasalukuyang kumukuha ng programang BSED o Bachelor of Secondary Education na may espelisasyon sa Biological Science, 18% ng mga tagatugon ay kasalukuyang kumukuha ng BSED na may espesyalisayon sa English, 14% ng mga tagatugon ay kasalukuyang kumukuha ng programang BSED na may espesyalisayon sa Matematika, 10% ng mga tagatugon ay kasalukuyang kumukuha ng programang BSED na may espesyalisayon sa MAPEH at 10% ng mga tagatugon ay kasalukuyang kumukuha ng programang BSED na may espesyalisayon sa Filipino. Mababa ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng mga salitang Filipino. Batay sa mga salitang saklaw ng pananaliksik na ito, ang mga salitang din, (74%) pahirin (74%), at iwanan (68%) ang pinakamataas na antas ng kaalaman sa wastong gamit ng mga salita sa pagsasalita ng mga mag-aaral, subalit maituturing na mababa pa rin ito at hindi umabot sa hinihinging lebel ng kasanayan sa wastong paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita ng mga mag-aaral. Ang iba pang mga salita lubhang mababa ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng mga ito. Lumabas din sa pag-aaral na ito, na ang kaalaman sa wastong gamit ng mga salita ay nakakatulong upang 1.) maiangat ang kakayahan sa paggamit ng wika ng isang mag-aaral, 2.) nakatutulong din ito upang maging malinaw ang mensaheng nais ipabatid sa taong kausap, at 3.) upang maging epektibong tagapagsalita. Ayon sa resulta ng pananaliksik na ito, ang pangunahing gawain ng mga mag-aaral upang malinang ang kakayahan sa wastong gamit ng wika ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. pagkukwento at pakikipag-usap sa telepono. Mapapansin na mababa ang lebel ng kaalaman ng mga magaaral sa wastong gamit ng mga salitang Filipino sa pagsasalita kaya ilan lamang sa mga magaaral ang nakikipag-debate, nagbabalita at bala

Keywords

Salitang Filipino
pagsasalita
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.