ANG ISTRATEHIYANG DIREKTANG PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO SA IKA-APAT NA BAITANG SA DISTRITO NG CATANAUAN SA PANAHON NG PANDEMYA

Completed2022

Abstract

Ang pag-aaral ay napapatungkol sa istratehiyang direktang pagtuturo ng wikang Filipino sa Ika-Apat na baitang sa Distrito ng Catanauan. Ito ay gumamit ng deskriptibo paraan at istatiska gaya ng frequency at weighted mean. Ang mga tumugon ay mga guro sa ika-apat na baitang sa Distrito ng Catanauan. Lumabas sa pag-aaral na ang tipikal na tumugon ay may edad na 21 hanggang 30 taon gulang, mga babae, nasa posisyong Guro I, may 1 hanggang 5 taon na ang karanasan sa pagtuturo, at may bilang na 1 hanggang 5 na pagsasanay na dinaluhan. Lubusang sumasang-ayon ang mga tumugon sa mga istratehiyang direktang pagtuturo ng wikang Filipino sa Ika-Apat na Baitang. Ayon sa pagsisimula ng leksiyon sa klarong pamamaraan ng layunin, ito ay makikita sa nagpahiwatig na mas natuto ang mga bata kapag klaro at malinaw ang layunin ng pagtuturo ng mga guro upang magamit ng mga bata sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. May mahalagang pagkakaiba ang mga istratehiyang direktang pagtuturo ng Wikang Filipino sa ika-apat na baitang sa Distrito ng Catanauan.

Keywords

Direktang Pagtuturo
Istratehiya
Wikang Filipino
Pandemiya
Distrito ng Catanauan
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.