Antas ng Kakayahang sa Ispelling ng mga Piling Mag-aaral ng Grade 10 sa Pag-sulat ng Sanaysay sa Ilalim ng Flexible Learning
Area of Research
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkakaroon ng
makatotohanang resulta sa kasalukuyang antas ng kakayahan sa ispelling at
pagsulat ng sanaysay ng mga piling mag-aaral mula sa baitang 10 na pinili gamit ang
Random Sampling Technique. Layon ng pag-aaral na ito na malaman ang dahilan ng
labis na kahirapan ng mag aaral sa pag-sulat ng sanaysay ar pagbaybay ng mga
salita.
Ginamitan ng talatanungan ang pagkuha ng mga sagot ng mga respondente
na nagmula sa isa sa kilala at malaking eskwelahan sa Lucena City.Sa pananaliksik
na ito, karamihan sa mga tagasagot ay mga kalalakihan na nasa edad 16 at 18 taong
gulang na Modular distance learning ang uri ng distance ng pagkatuto at karamihan
sa mga respondente ay may 7 hangang 9 na oras gada linggo ang ginugugol sa pagaaral ng Filipino. Ayon sa kinalabasan ng paunang pagtataya lumabas na mababa
ang antas sa mga salik kung bakit nahihirapan ang mga mag-aaral sa ispelling at
pag-sulat ng sanaysay na may 3.18 WH sa kadahilanan na “Nahihirapan sa ispeling ng mga salita lalo na ang mga hiram na salita”. May mataas na resulta sa antas ng
pag-ganap ng mga mag-aaral sa pagba-baybay at pag-sulat ng sanaysay sa ilalim
ng distance learning na may 4.14 WH. Sa mga epekto ng pagkatuto ng tamang pag
gamit sa pag-baybay at pag-sulat ng sanaysay sa ilalim ng distance learning ay
nakakuha ng mababang WH na mayroong 4.16 sa pahayag na “Tama ang pagsasalin ng hiram na mga salita sa pag-susulat ng sanaysay”. Ipinapakita ng datos
ang iba’t ibang dahilan, kung bakit nag kakaroon ng problema ang mga mag-aaral
pagdating sa pag-baybay at pag-sulat ng sanaysay.
Keywords
distance learning
modular
pag-baybay
sanaysay
random sampling technique
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH