Paggamit ng Bottom-Up Approach sa Pagkatuto ng mga Piling Maikling Kuwento ni Benjamin Pascual

Completed2021

Abstract

Nilayon ng pag-aaral na malaman ang demograpikong propayl ng mga tagatugon base sa kanilang edad, kasarian, nakaraang grado sa asignaturang Filipino, buwanang kita ng mga magulang at inalam ang suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng maikling kuwento gamit ang Bottom-Up Approach at nalaman din ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa gamit pa rin ang Bottom-Up Approach sa pagkatuto ng mga piling maikling kuwento ni Benjamin Pascual. Ang pag-aaral ay ginamitan ng kwantitatibo at deskriptibong pananaliksik sa pamamagitan ng talatanungang papel at sarbey kwestyuner, ang datos na nalikom ay nagdetermina sa layunin ng pag-aaral. Inilahad ito sa pampublikong paaralan sa antas ng sekondarya sa hayskul sapagkat ito ay nakapaloob sa gabay pangkurikulum sa antas ng sekondarya. Pagkatapos mamahagi ng talatanungan papel ang lumabas na resulta ay karamihang tumugon sa edad ay nasa 11-13, sa kasarian ay babae, sa nakaraang grado sa asignaturang Filipino ay 75-79 at ang buwanang kita ay 1000-8000. Ang nakalap na datos naman sa suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng maikling kwento ang pinakamataas na ranggo ay ang pahayag na "Nahihirapang makaunawa ng mga mahahaba at paligoy-ligoy na salita’’. Base naman sa nakalap na datos sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng apat na maikling kuwento ni Benjamin Pascual ang lumabas na Mean Percentage Score ay 68.80. Kinakailangang bigyang pansin ang kakulangan ng estratehiyang magamit sa pag-unawa o maging ng kasanayan ng mga mag-aaral at guro sa paggamit ng mga estratehiyang makatutulong sa pag-unawa sa binasang mga teksto.

Keywords

maikling kuwento
bottom-up approach
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.