PANLINGGWISTIKANG PAGLALARAWAN NG LEKSIKONG TAGALOG NG MGA MAG-AARAL NG IKA-10 BAITANG SA PAARALAN NG ALABAT ISLAND NATIONAL HIGH SCHOOL: BATAYAN SA PAGBUO NG GLOSARYO NG LEKSIKONG TAGALOG NG ALABAT
Area of Research
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy ang panlingwistikang paglalarawan ng leksikong Tagalog ng mga mag-aaral sa ika-10 ng baitang sa Alabat Island National High School. Inaasahang mabatid ang mga leksikong Tagalog na ginagamit sa pagsasalita ng mga mag-aaral; panlinggwistikang leksikong Tagalog batay sa pagbigkas; paghahati ng pantig, pagpapalit ng ponema, paglalapi; pagbuo ng pangungusap at semantika; at lebel ng pang-unawa sa mga leksikong Tagalog ng mga mag-aaral para makabuo ng glosaryo na kinapapalooban ng mga leksikong Tagalog ng Alabat. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptib-kwalitatib sa panlingwistikang paglalarawan ng leksikong Tagalog na Alabat upang makuha ng kaukulang impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam, obserbasyon sa mga guro at mag-aaral na kasangkot sa pananaliksik at pagsusuri nito. Ginamit din ang deskiptib-ebalwatib na paraan upang masusing matiyak ang kahalagahan ng pag-aaral. Sa paraang ito, inibalweyt ang resulta upang matukoy ang lebel ng pang-unawa ng mga mag-aaral hinggil sa leksikong Tagalog ng Alabat. Ang pagkuha ng porsyento at weighted mean ay isinagawa upang masuri ang mga datos.
Batay sa mga nakalap na datos, mayroong mga leksikong Tagalong ng Alabat ang bahagya ng gamitin ng mga mag-aaral tulad ng mga salitang pirit (maliit), manghihibasan (panghuhuli ng lamang dagat kapag maliit ang tubig), buringki (mabagsak), purba (subukan), ganggang (paghahamon ng away sa taong mahina), utita (paulit-ulit) at marami pang iba. Napatunayan na bahagya na lamang maunawaan ng mga mag-aaral ang leksikong Tagalog ng Alabat bunsod ng pagbabago ng modernong panahon. Nabuo ang glosaryo bilang tugon sa kakulangang pantalasalitaan na makatutulong sa pagpapataas ng kasanayang pantalasalitaan ng mga Alabatin.
Keywords
leksiko
linggwistika
semantika
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH