ISTRATEHIYANG PAGTUTURO NG NOBELANG NOLI ME TANGERE; BATAYAN SA PAGBUO, PAGTANGGAP AT BALIDITI NG WORKTEXT
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Istratehiyang Pagtuturo ng Noli Me
Tangere; Batayan sa Pagbuo, Pagtanggap at Baliditi ng Worktext. Naglayong malaman
ang iba’t ibang mabisang istratehiya sa pagtuturo sa isa sa mga akdang nobela ng
pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang kanyang nobelang Noli Me Tangere gamit
ang worktext. Ang iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo ay makatutulong sa mas malalim
na pang-unawa at pagkakaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon at maging handa
sa iba’t ibang hamon ng buhay. Ito rin ay isang paraan para sa pagtamo ng kaalaman
ng mga mag-aaral at maging kapaki-pakinabang para sa hinaharap na mas magkaroon
ng mataas na kalidad ang edukasyon. Ang mga istratehiya sa pagtuturo ang naging batayan sa pagbuo,
pagtanggap at baliditi ng worktext sa pag-aaral ng nobelang Noli Me Tangere. Ang
deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat ay isinagawa sa pamamagitan
ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa mataas na paaralan sa lungsod
ng Tayabas at mga mag-aaral sa ikasiyam na taon sa nasabing paaralan. Ginamit ang
weighted mean, frequency at pormulang t-test bilang pamamaraang estadistika upang
maanalisa ang mga datos na nakalap.
Gumamit ang mananaliksik ng talatanungang nasa anyong tseklist na
nagsilbing instrumento upang malaman ang baliditi at pagtanggap ng mga guro sa
ginawang worktext.
Ang mga mag-aaral sa ikasiyam na taon na may kabuuang dalawang
daan at apat na pu’t dalawang (242) mag-aaral sa mataas na paaralan sa lungsod ng
Tayabas ang naging tagasagot at dalawampu’t dalawang (22) guro na nagtuturo ng
asignaturang Filipino sa nasabing paaralan.
Batay sa mga naging resulta ng pag – aaral sa demograpikong profayl ng
mga taga-sagot na guro, ipinakikita na halos ang mga gurong tagasagot ay bago pa
lamang sa larangan ng pagtuturo na may edad na 21 hanggang 30 taong gulang at
50% sa kanila ay nagtuturo sa asignaturang Filipino mula 1 taong hanggang 5 taon.
Ang istratehiyang pagtuturo na pakikinig sa awiting may kaugnayan sa
akda sa pamamagitan ng CD, DVD player o anumang kagamitang napapakinggan ang may pinakamataas na bahagdan. Nangangahulugan lamang na ito ang madalas na
ginagamit ng mga guro sa pagtuturo upang mapukaw ang kawilihan at interes ng mga
mag-aaral sa kanilang aralin sa pagtalakay sa nobelang Noli Me Tangere. Sa lebel ng
pagtanggap sa worktext ng mga guro sa nobelang Noli Me Tangere nagpakita na lubos
na tinatanggap ang ginawang worktext. Para naman sa mga salik na pangguro na
nagbibigay kawilihan sa mga mag-aaral sa pagtuturo ng Noli Me Tangere nagpakita ito
na lubos na sumasang-ayon ang mga taga-sagot. Makikita na higit na natututo ang mga
mag-aaral kung gagamit ang guro ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo upang hindi
maging kabagut-bagot para sa mag-aaral ang pagtalakay ng nobelang Noli Me Tangere.
Sa pag-aaral na ito, sa isinagawang pre-test makikitang mas mababa ang nakuhang
mean ng mga mag-aaral kumpara sa mean na isinagawa matapos gamitin ang worktext
sa pamamagitan ng isinagawang posttest. Sa resulta ng posttest, makikitang tumaas
ang iskor ng mga mag – aaral na may batayan na average mastery. Nanganghulugan
lamang na may mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng performans ng mga mag-aaral
sa baitang 9 sa pretest at posttest. Sa pamamagitan ng worktext, naunawaan ng mga
mag – aaral ang kanilang aralin na naging resulta sa pagtaas ng kanilang mga iskor sa
isinagawang posttest. Sa naging resulta, konklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ng
mananaliksik na maaaring gamitin ng guro at mag-aaral ang ginawang worktext upang
mapadali ang pagtalakay at magkaroon ng kawilihan ang mga mag-aaral sa nobelang
Noli Me Tangere.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH