ANTAS NG KAALAMAN SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG: BATAYAN SA PAGBUO NG EXEMPLAR NA ARALIN
Area of Research
Abstract
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat ang pangunahing interes ng
mananaliksik ay matukoy a ng Antas ng Kaalaman sa Masining na
Pagpapahayagng mga Mag-aaral sa Grado 7, Pagbuo ng Exemplar na Aralin ,
Pagtukoy sa lebel ng pagtanggap ng mga guro, Pag-alam sa performans ng mga
mag-aaral batay sa resulta ng pretest at pagtukoy sa lebel ng kabisaan ng
nabuong exemplar batay sa resulta ng posttest. Gayundin, upang mapagaan ang
pag-unawa sa mga aralin sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral at
mga guro sa Filipino, upang magamit ang exemplar sa kanilang pagtuturo para sa
ikauunlad ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiiambag sa
pagsulong ng edukasyon. Ang mananaliksik ay gumamit ng “cluster sampling” sa
pagpili ng (220) mag-aaral sa Grado 7 na nagmula sa 5 seksyon ng paaralang
ginamit at 15 guro na nagtuturo ng Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng
pormulang persentahe, weighted mean,standard deviation,mean at t-test bilang
pamamaraang estadistika upang maanalisa ang mga datos.Batay sa kinalabasan ng pananaliksik,karamihan sa naging tagasagot na mag-aaral ay
mga lalaki.Lubos na tinatanggap ng mga tagasuring guro ang nabuong materyal.
Batay sa nilalaman,kaugnayan,kalinawan at orihinalidad. Batay sa naging resulta,
konklusyon ng pag-aaral, iminungkahi ng mananaliksik na nangangailangan ng
mga pagsasanay ang mga mag-aaral upang lubos na maunawaan ng mga magaaral ang tungkol sa masining na pagpapahayag. Sa mga guro, maaaring gamitin
ng guro ang nabuong materyal upang malaman ang pigiging epektibo nito bilang
isang kagamitang panturo. At maaari pang gumawa ang mga guro ng mga iba’t
ibang kagamitang panturo upang mas tumaas at maunawaan ng mga mag-aaral
ang aralin at ang pagsasagawa ng seminar o worksyap na may kaugnayan sa
pagbuo ng exemplar upang madagdagan ang mga kaalaman ng guro sa
makabagong kagamitang panturo tungkol sa masining na pagpapahayag.
Keywords
-
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.
Browse our research
Areas of Research
APPLIED TECHNOLOGY, SCIENCE , INDUSTRYBUSINESS, ECONOMICS AND INDUSTRY 4.0 RESEARCHBUSINESS, INDUSTRY, LIVELIHOOD and FOOD SECURITYCOMMUNITY DEVELOPMENT and SOCIAL SUSTAINABILITYEDUCATION 4.0 AND WORKFORCE 4.0 RESEARCHEDUCATION and EDUCATION MANAGEMENTENVIRONMENTAL CONSERVATION, PROTECTION and DEVELOPMENTENVIRONMENTAL PROTECTION, DEVELOPMENT, AND CONSERVATION RESEARCHHEALTH and WELLNESS PROGRAM DEVELOPMENTHEALTH RESEARCH, DEVELOPMENT, INNOVATION AND EXTENSIONHUMANITIES, ARTS, CULTURE and TOURISMLEGAL, LAW ENFORCEMENT AND CRIMINOLOGY RESEARCHPOLITICS, SOCIETY, AND CULTURE RESEARCHTECHNOLOGY, ENGINEERING, AND INDUSTRY 4.0 RESEARCH