Paggamit ng Quizizz sa Pagtataya sa Ponemang Suprasegmental sa mga Mag-Aaral sa Baitang 9

Completed2021

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglayong malaman ang kabisaan ng Quizizz bilang gamit sa pagtataya sa ponemang suprasegmental sa mag-aaral sa baitang 9. Ang mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong pananaliksik na ginamitan ng talatanungan na ibinahagi sa mga respondente. Gumamit ang mananaliksik ng purposive sampling sa pagpili ng respondente sa pananaliksik. Pumili ng limampung estudyante sa baitang 9 mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Lucena upang makakuha ng epektibong resulta na nakatulong sa isinagawang pag-aaral. Ang karamihan sa respondente ng pag-aaral na ito ay kababaihan na nasa edad 14 at 15 na nakatulong upang mapunan ang mga datos na kailangan sa pag-aaral. Ang karamihan ng mga tagatugon ay may gradong 83-86 sa asignaturang Filipino ang mga tagatugon ay kadalasang iginugugol ang 6-8 na oras sa pag-oonline gamit ang mobile phones . Ayon sa datos pinatunayan nito na ang Quizizz ay maaaring magamit sa kanit anong uri ng gadgets na maaaring makagawa ang guro o mag-aaral ng sariling pagtataya at nakakatulong ang Quizizz upang makihalubilo sa iba. Nakakuha ng weighted mean na 3.46 ang pahayag na “Nakakatulong ang Quizizz upang makaiwas ang mga mag-aaral sa distraksyon sa paligid habang nagsasagawa ng pagsusulit” at ang suliranin sa paggamit ng Quizizz na may pinaka mataas na ranggo batay sa kinalabasan na datos ay “Hindi na maaaring mabago ang naunang sagot pagkatapos itong maipasa.” Inirerekomenda ng mananaliksik na mag-download ng mga application na makakatulong kanilang pag-aaral at gumamit ang mga guro ng mga online na pagtataya upang maging masining ang paraan ng pagtataya at makasabay sa makabagong panahon.

Keywords

application
Quizizz
gadget
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.