Panukalang Paggamit ng “Ibigkas” bilang Suplementaryong Kagamitan sa Pagpapaunlad ng Antas ng Kaalaman sa Kasingkahulugan at Kasalungat na Salita ng mga Mag-Aaral sa Baitang 7

Completed2021

Abstract

Naglalayong ang pag-aaral na ito na malaman ang kabisaan ng paggamit ng “Ibigkas” bilang suplementaryong kagamitan sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat na salita ng mga mag-aaral sa baitang 7. Gumamit ng kwantitatibong pananaliksik na ginamitan ng talatanungan na kinapalooban ng pauna at panapos na pagtataya na ibinahagi sa mga tagasagot. Sa pagpili ng mga tagasagot ang mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling kung saan ay nilahukan ito ng limampung mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa Munisipalidad ng Pagbilao, Quezon. Sa pananaliksik na ito, karamihan sa mga tagasagot ay nasa edad 13-15, na pawang mga kababaihan at mobile phones ang kagamitang ginamit ng mga tagasagot sa pag-aaral na ito. Ayon sa kinalabasang ng paunang pagtataya lumabas na mababa ang antas ng kaalaman ng mga tagasagot sa kasingkahulugan at kasalungat na salita na may mean percentage score na 51.20 samantalang 64.65 naman ang kinalabasang resulta ng panapos na pagtataya na nagpapahayag sa pagtaas ng mean percentage ng mga tagasagot matapos magamit ang Ibigkas. Ayon naman sa epekto ng “Ibigkas” bilang suplementaryong kagamitan, ipinakita ng datos na nakadadagdag motibasyon sa mga tagasagot ang paggamit ng Ibigkas sa pagpapaunlad ng antas ng kaaman sa kasingkahulugan at kasalungat na salita na may kabuuang weigted mean na 3.8. batay sa mga datos na ito, ipinapayo ng mananaliksik na mas bigyang pansin ang pagtuturo ng kasingkahulugan at kasalungat na salita upang mapaunlad ang bokabularyo, maglaan pa ng mga aktibitad na magpapaunlad sa bokabularo ng mga mag-aaral, iayon ang mga ito batay sa edad, kasarian at interes ng mga mag-aaral at ikonsidera ang paggamit ng mobile application sa pagtuturo at pag-aaral ng wika partikular na sa bokabularyo.

Keywords

Ibigkas
kasalungat
kasingkahulugan
mobile phone
bokabularyo
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.