Antas ng Kakayahang Komunikatibo sa Pagbigkas ng Tula sa Baitang 8: Basehan sa Pagbuo ng Modyul

Completed2021

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay tumalakay sa kakayahang komunikatibo sa pagbigkas ng tula ng mga mag-aaral. Gumamit ng kwantitatibong disenyo ang mananaliksik at nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey-kwestyuner. Ito ay binuo ng limampu (50) na respondente mula sa baitang: 8 at ginamitan ng random sampling upang mabilis na makalap ang mga kailangang impormasyon mula sa tagatugon sa lungsod ng Lucena. Mula sa resulta ng mga datos karamihan sa mga tagatugon ay kababaihan na nasa 13-14 na gulang. Sa mga kategoryang nakapaloob sa kakayahang bumigkas ng tula, 2.8 ang nakuha ng pahayag na ?malinaw kong nabibigkas ang bawat salitang nakapaloob sa tula.? Ang pahayag naman na ?Iniaangkop ko ang tono sa pagsasalita batay sa nais ipakahulugan? mula sa tono ay nakakuha ng 2.8 na weighted mean. 2.5 naman ang nakuhang datos ng pahayag na ?Pinapalitan ko ang diwa ng tula sa pamamagitan ng madamdamin at angkop na ekspresyon sa pagbigkas?. Samantala, 2.48 naman ang datos na nakuha ng mga pahayag na ?ibinabagay ko ang pagkumpas sa diwa ng MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION Lucena City An Autonomous University DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE QUALITY FORM Document Code: DCAVRKMI-F-URFR Document Title: Undergraduate Research Final Report Page No.: Page 8 of 104 Revision No.: 0 Effectivity Date: August 2017 Prepared by: DCAVRKMI Reviewed by: QMR Approved by: President tula? at ?gumagamit ako ng kumpas ng kamay sa paghahatid at pagdidiin ng mahalagang kaisipan o salita.? Sa salik sa pagbigkas ng tula lubos na nakakaapekto ang ?kumpiyansa sa sarili? at may weighted mean na 3.26. Samantala, sa mga suliranin sa pagtula 3.06 ang nakalap ng pahayag na ?limitado lamang ang aking kumpas o paggalaw ng katawan habang nabigkas ng tula.? Mula sa mga datos ay inirerekomenda ng mananaliksik na mahalagang magkaroon ng mga aktibidad, programa o pagsasanay na lilinang sa kumpiyansa, personalidad at kakayahan sa pagtula ng mga mag-aaral. Gayundin ang pagtuklas sa mga paraan o wastong kasanayan upang maisabuhay at mapaunlad ang kakayahang komunikatibo ng bawat mag-aaral na isang bahagi ng sining gaya ng pagtula.

Keywords

tula
pagbigkas
tono
kumpas
emosyon
kakayahang komunikatibo
salik
suliranin
infoNotice
To view the full research, please contact our research department.