Leksikal na Baryasyon ng Wikang Tagalog at Cebuano: Isang Pagsusuri


Digital Object Identifier (DOI)

ISSN 1908-7349, ISSN 3208-2985


Authors

GINA CATALIG

College of Arts and Sciences

MA. JENNIFER MATIAS

College of Arts and Sciences

CRESENCIO JABALLA

College of Arts and Sciences

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri ang leksikal na baryasyon ng wikang Tagalog at Cebuano sa lalawigan ng Quezon, partikular sa konteksto ng pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Layunin ng pag-aaral na matukoy at maihambing ang mga karaniwang ginagamit na salita sa dalawang wika, suriin ang kanilang kayarian at kategorya, alamin ang mga salik na nakaaapekto sa baryasyon, at tuklasin ang anumang pagbabagong morpoponemiko. Ginamit ang palarawang disenyo at kwalitatibong pamamaraan, kabilang ang purposive sampling, obserbasyon, sarbey, at pakikipanayam. Natuklasan na ang heograpikal na salik ang pangunahing dahilan ng pagkakaiba ng leksikon, at ang pagpapalit at pagkakaltas ng ponema ang karaniwang morpoponemikong pagbabago. Bilang pangunahing output, nakabuo ang pag-aaral ng isang Leksikal na Talasalitaan ng Tagalog at Cebuano. Inirerekomenda ang pagpapalaganap ng talasalitaan, pagsasagawa ng mga seminar, at pagsasama ng pag-aaral sa kurikulum ng Filipino. Hinihikayat ang mga susunod na mananaliksik na palawakin ang sakop ng pag-aaral sa iba pang rehiyon ng bansa.

Date Published

September 30, 2025

Keywords

baryasyon
Cebuano
leksikal
Tagalog
wika