Kahalagahan ng mga Katutubong Wika na Niluma ng Panahon: May Yunik, Kakaiba, at Natural na Gamit sa Quezon
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Kahalagahan ng mga Katutubong Wika na Niluma ng Panahon: May Yunik, Kakaiba, at Natural na Gamit sa Quezon”. Ang disenyo ng pananaliksik ay descriptiv-etnograpik. Gumamit ang mga manunulat ng FGD o diskusyong pang- grupo, pagtatanong, at pakikihalubilo sa pangangalap ng datos. Gumamit din ang mga manunulat ng pamamaraang pagtatala sa bawat sagot sa mga katanungan sa mga tagasagot. Saklaw ng pag-aaral ang pagkuha ng mga kahalagahan ng mga lenggwaheng katutubo at ang kakaibang gamit nito sa wikang Filipino. Binigyan ng tuon ang mga tagasagot sa mga piling lugar sa Lungsod Tayabas, Candelaria, at Mauban, Quezon. Pumili lamang ang mga manunulat ng mga may edad tatlumpo (30), pataas, lalaki at babae, may asawa o wala. Pumili rin ng ilang kabataan na may edad labing-walo (18) hanggang dalawampo at siyam (29). Ang bilang ng mga tagasagot ay dalawampo’t lima (25) bawat lugar, sa kabuuan ay may pitumpo’t lima (75) ang bilang. Ngunit dahil sa kahirapan ng pagkakaroon ng survey, pagtatanong, at pangkatang diskusyon dahil sa pandemya, nilimitahan na lamang ito sa pagkuha ng datos sa pagpunta sa nasabing mga lugar. Sinikap ng mga manunulat na makakuha ng maraming impormasyon sa mga kinauukulan gamit o batay sa virtual na pakikipanayam. Bago magsagawa ng pananaliksik, humingi muna ang mga manunulat ng pahintulot sa mga kinauukulan o sa lokal na mga namamahala ng bawat lugar, sa pamamagitan ng paghahatid ng liham sa pamamagitan elekronikong pamamaraan. Sa pangangalap ng datos na makakalap sa pananaliksik ay gumawa ng talaan, upang maitala at magkakaroon ng pagsusuri. Pinag-aralan ding mabuti ng mga manunulat ang bawat karagdagang katanungan bukod sa katanungan nakalahad sa gagawing talatanungan upang hindi magkamali ang mga manunulat. Binigyang halaga ang pribadong buhay ng mga tagasagot sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga katanungan na hindi kasama sa pag-aaral. Itinago rin ang kanilang identidad (pangalan at iba pa) kung hindi nila ipahihintulot. Binigyang pansin ang kahalagahan ng bawat sagot na kanilang ipagkakaloob sa manunulat, anuman ang pagkaunawa nila at pagbibigay kahulugan sa katutubong lenggwaheng nalipasan na ng panahon, ito ang itinala ng manunulat.
Date Published
September 30, 2024
Published in
MSEUF Research Studies Vol. 21, No. 1Publisher
Philippine E-JournalsKeywords
deskriptiv-etnograpik
katutubong wika
kultura ng Quezon
virtual na pakikipanayam
yunik at kakaibang gamit ng wika