Ang 2024 Census of Population at ang Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS) ay isang inisyatibo ng ating pamahalaan sa pangunguna ng Philipine Statistics Authority (PSA) upang gawing mas epektibo ang pagtugon ng pam zahalaan na maibsan ang kahirapan, at tiyakin ang inklusibong pag-unlad ng ating ekonomiya.
Ang 2024 POPCEN-CBMS ay gagamitin din upang malaman kung sino ang mga kwalipikado para maging benepisyaryo ng mga social protection programs.
Ang 2024POPCEN-CBMS ay nangangalap pangsambahayang datos na may kaugnayan sa edukasyon, trabaho, kalusugan at seguridad pagkain, migrasyon, pangunahing serbisyo at tirahan, karanasan sa kalamidad, kapayapaan at kaayusan, pinagmumulan ng supply ng tubig at mga tubig inumin, at mga detalye ng palikuran at struktura ng tirahan.
Ito din ay nagsasagawa ng geotagging o pagmamapa ng mga gusali at pasilidad tulad ng ospital, eskwelahanm at iba pang mga establisyemento ng naghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.
Ano ang mga hakbang na isinasagawa para mapanatili ang seguridad ng aking datos?
Ang POPCEN-CBMS ay naglalagay ng pinakamataas na importansya sa privacy ng data ng mga respondent. Ang nakalap na impormasyon ng bawat pambahay ay tiyak na protektado. Ang mga probisyon na itinakda sa Republic Act No. 10173 0 ang Data Privacy Act ng 2012, pati na rin ang mga regulasyon ng National Privacy Commission hinggil sa seguridad at pag-iingat ng data, ay strikto na ipinatutupad.
Ang POPCEN-CBMS ay sumusunod sa mga batas sa data privacy upang tiyakin ang seguridad ng data ng bawat sambahayanan:
- Sec. 26 of RA 10625 o Philippine Statistical Act of 2013
- Sec. 10 of RA 11315 0 CBMS Act
Para sa iba pang impormasyon, maaring tumawag o mag-email sa:
PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY
PSA Headquarters PSA Complex, East Avenue Diliman,
Quezon City Philippines 1101
Email: popcencbms@psa.gov.ph